This website respects your privacy. Only necessary cookies will be set for basic functionality. Cookie information is stored in your browser and performs functions such as recognising you when you return to our website and helping our team to understand which sections of the website you find most interesting and useful.
Novena to San Lorenzo Ruiz
Read more about the 1st Filipino saint.
UNANG ARAW
Wika ni Apostol San Pablo: Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang pag-hihirap ba, pag-uusig, gutom, kapighatian o ang tabak ba? Sa kabila ng mga ito ay may nagmamahal sa atin kaya’t labis-labis ang ating tagumpay. At natitiyak ko na kahit ang kamatayan, buhay at mga bagay na kasalukuyan … walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos (Romano 8:35-39).
Nais lamang ipaliwanag ni San Pablo ang ganito: Kung mahal ng tao ang Diyos, pagtitiisan niya ang lahat ng pakundangan sa kanya, gaya ng ginagawa ng umiibig sa kanyang iniibig. Kaya naman kinalimutan ni San Lorenzo Ruiz ang kanyang sarili at pinagtiisan niya ang lahat ng hirap, gutom, pag-uusig at kamatayan mapatunayan lamang ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit mahal ni San Lorenzo Ruiz ang ating Panginoon. Sa ating kalagayan ngayon, alin ang mas mahalaga sa buhay at sino ang ating pinakikinggan?
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKALAWANG ARAW
Ayon sa Banal na Ebanghelyo ni San Juan Apostol: “Ito ang utos ko: Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig ang hihigit pa sa isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo ay mga kaibigan ko kung tinututupad ninyo ang mga ipinag-uutos. Hindi na utusan ang itatawag ko sa inyo sapagkat hindi nalalaman ng ututusan ang ginagawa ng kanyang panginoon. Tinatawag ko kayong mga kaibigan sapagkat lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko sa inyo” (Juan 15:12-15).
Maipakikita natin ang pag-ibig sa Diyos hindi lamang sa salita kundi rin sa gawa. Mapapatunayan natin ang ating pag-ibig sa Diyos kung tayo’y sumusunod sa kanyang mga kautusan at tumutupad sa ating mga tungkulin sa kanya at sa kapwa. Katulad ng ginawa ni San Lorenzo Ruiz magiging tanda ng pag-ibig natin sa Diyos ang pag-aalay ng ating buhay pakundangan sa Kanya sa gitna ng maraming pagsubok at paghihirap na dinanas sa kamay ng mga taong walang takot sa Diyos. Tuparin natin ang ating mga tungkulin upang parangalan si San Lorenzo Ruiz.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKATLONG ARAW
Winika ni Hesus: “Hindi kayo ang pumili sa akin, kundi ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga at manatili ang inyong bunga. Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo. Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa sa kanyang panginoon” (Juan 15:18-20).
Ayon sa Panginoon, ang sinuman sumusunod sa kanya ay nagdaranas din ng pag-uusig at paghihirap bilang kabayaran sa mga kasalanan. Sa gitna ng mga paghihirap, lumalakas at tumitibay ang kalooban ng tao at nakahandang harapin ang lahat ng pagsubok na dumaraating sa kanya. Nanlulumo at nanghihina siya kung iiwas siya sa mga pagsubok na ito. Kung nais makamit ang tagumpay sa anumang bahay, dapat magtiyaga, magtiis, magmalasakit at magsikap. Naaangkop din ito sa larangan ng siyensiya, edukasyon, kabuhayan, kalusugan at kalakal.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
en.
IKA-APAT NA ARAW
Ayon sa ebanghelyo ni San Mateo: May isang lalaki ang lumapit kay Hesus at nagtanong: “Ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
“Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” “Alin-alin po ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwang kang makikiapid, huwag kang magnanankaw, huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi, igalang mo ang iyong ama at ina, at ibigin ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
Sinabi ng binata, “Tinupad ko na pong lahat iyon. Ano po ang dapat kong gawin?” Winika ni Hesus, “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin” (Mateo 19:16‑21).
Tayo kaya’y katulad ng binatang nabanggit ni Hesus? Tumutupad ba tayo sa mga tungkulin natin sa Diyos, ngunit ano pa ang ating hinahanap? Nagsisisikap tayong maging banal, nag-aalay ng maraming sakripisyo at hindi nagpapayaman sa mundo. Ang ating paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ay hindi magiging ganap at mapawawalang bisa kung tayo’y nang-aalipusta ng kapwa, kung tumatangging tumulong sa nangangailangan, at kung nakikinabang sa masamang paraan.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKA-LIMANG ARAW
Ayon sa banal ka kasulatan: Sumama kay Hesus ang napakaraming tao, humarap siya sa kanila at sinabi: “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa’t mga anak, magkapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:25‑27).
Pinahintulutan ni Hesus na matikman ang hirap at sakit na Kanyang dinanas sa layunin niyang matubos ang sangkatauhan sa kasalanan. Sa pamamagitan natin ay nakakilos at nakagawa si Hesus ng mga mabubuting bagay at nakapagbigay puri at dangal sa Kanyang ama. Nararapat lamang na makibahagi tayo sa Kanya, harapin ang ating mga suliranin bilang pakikiisa sa Kanya. Tularan natin ang ginawa ni San Lorenzo Ruiz na nakibahagi sa hapis ng Panginoon.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKA-ANIM NA ARAW
Winika ni Hesus ang mga sumusunod: “Ngunit bago ang lahat ng ito, darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ay buhay na walang hanggan” (Lucas 21:12-19).
Ang biyayang ipinagkakaloob ng Espiritu Santo ay matuwid at mabuting pag-iisip kung kaya natutuhan nating gawin ang kalooban ng Panginoong Diyos at tuluyang nakapagpapasagana sa ating kaluluwa. Kung tayo ma’y nalalagay sa panganib at kagipitan, dumalangin tayo sa ikatlong persona ng Diyos, ang Espiritu Santo sapagkat ang Espiritu ng Diyos ang nagbigay sigla kay San Lorenzo Ruiz na magtagumpay laban sa mga paghihirap at pasakit na ipinataw ng mga kaaway ng pananampalataya. Kapag nasa atin ang biyaya ng Espiritu Santo, makatutupad tayo sa ating tungkulin sa Diyos at kapwa at makatututgon sa anyaya ng Panginoon na magpasan ng ating krus tungo sa kabanalan.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKA-PITO NA ARAW
Ito ang sinasaad sa Aklat ng Karunungan: Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos at di sila makararanas nang kaunti mang paghihirap. Sa akala ng mga hangal ang mga matuwid ay namamatay, iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na. Bagama’t sa tingin ng tao sila’y pinarusahan, ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunti nilang pagtitiis ay tutumbasan ng malaking pagpapala sapagkat napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat (Karunungan 3:1-5).
Ito ang pahayag ng mga Obispong Pilipino tungkol kay San Lorenzo Ruiz: Ibinilanggo siya sa Nagasaki noong September 21, 1637. Nang siya’y litisin, matapang niyang itinugon: “Ako’y isang Kristiyano at ito’y pinaninindigan ko hanggang ako’y mamatay; sa Diyos ka lamang iaalay ang aking buhay; kahit isang libo mang buhay mayroon ako ay iaalay ko pa rin sa kanya. Kayo na ang bahala kung ano ang gusto ninyong gawin sa akin.”
Sa ganitong halimbawa ng pagiging martir ni San Lorenzo Ruiz, mababakas natin sa mga kataga ng mga Obispo na kung nararapat ang katapangan para sa kamatayan alang-alang sa pananampalataya, kailangan din natin ng tapang upang lumakas at tumatag sa harap ng mga pagsubok at tukso sa mundo na walang kinikilalang Diyos.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKA-WALONG ARAW
Pakinggan natin ang sinasabi ni San Pedro Apostol sa banal na kasulatan: Mga minamahal, huwag ninyong pagtakahan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Kristo, at magiging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan. Mapalad kayo kapag kayo’y inaalipusta dahil kay Kristo, sapagkat sumasainyo ang dakilang Espiritu ng Diyos (1 Pedro 4:12-14).
Kung tunay ngang isang Kristiyano ay matapang, mapagtiis, mahinahon, maamo at mababang-loob, mapapatunayan lang niya ito kung siya ay daraan sa isang pagsubok. Marahil, pinahintulutan ng Diyos na tuksuhin ang tao sa mundo upang malaman niya kung hanggan saan ang kanyang pagtitiis, karakter, kabanalan at katapatan.
Napatunayan iyan ni San Lorenzo kaya’t nakamit niya ang gantimpala ng Diyos. Ipinakita niya na siya ay isang matapat, matapang at totoong tagapaglingkod ng Diyos sa gitna ng maraming paghihirap at tukso. Maging ang ating Panginoong Hesus ay tinukso ng demonyo sa pamamagitan ng karangyaan, katanyagan at katakawan. At napaglabanan ng ating Panginoon ang mga tuksong ito dahil sa kanyang panalangin, kababaang-loob at pagpapakasakit. Tayo man, mapaglalalaban din natin ang tukso kung tayo’y mananalangin, magkukumunyon at mangungumpisal nang madalas, magkakawang-gawa at magsasakripisyo.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
IKA-SIYAM NA ARAW
Ito ang sinasabi ng Panginoong ayon sa ebanghelyo ni San Lucas: “Sa panahong iyon, kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal upang pahirapan at patayin. Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya at mapopoot sa isa’t isa. Ipagkakanulo ng isa’t isa ang kanyang kapwa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami. Ang kasamaa’y lalaganap, anupa’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. Nguni’t ang mananatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito’y makilala ng lahat ng bansa. Saka darating ang wakas” (Lucas 24:9‑14).
Suriin nating mabuti ang buhay ni San Lorenzo Ruiz at malalaman natin na tinupad niya ang mga tagubilin ni Kristo. Tinalikdan niya ang kanyang sarili masunod lamang ang kalooban ng Diyos. Nangibabaw ang kanyang Espiritu sa kanyang katawan, inialay niya ang kanyang buhay bilang kapalit ng buhay na walang hanggan. Ngayonng dumarami ang mga taong nagpapahalaga sa mundo higit sa Diyos, dapat tayong dumulog kay San Lorenzo Ruiz upang mapaglabanan ang lahat ng tukso at kaaway ng ating pananampalataya. Magdebosyon tayo sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosario upang magkaroon ng kapayapaan dito sa mundo.
(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)
Our Father (1)
Hail Mary (1)
Glory be to the Father (7)
ACT OF CONSECRATION TO THE HOLY SPIRIT
On my knees I before the great multitude of heavenly witnesses I offer myself, soul and body to You, Eternal Spirit of God. I adore the brightness of Your purity, the unerring keenness of Your justice, and the might of Your love. You are the Strength and Light of my soul. In You I live and move and am. I desire never to grieve You by unfaithfulness to grace and I pray with all my heart to be kept from the smallest sin against You. Mercifully guard my every thought and grant that I may always watch for Your light, and listen to Your voice, and follow Your gracious inspirations. I cling to You and give myself to You and ask You, by Your compassion to watch over me in my weakness. Holding the pierced Feet of Jesus and looking at His Five Wounds, and trusting in His Precious Blood and adoring His opened Side and stricken Heart, I implore You, Adorable Spirit, Helper of my infirmity, to keep me in Your grace that I may never sin against You. Give me grace O Holy Spirit, Spirit of the Father and the Son to say to You always and everywhere, “Speak Lord for Your servant heareth.” Amen.
PRAYER FOR THE SEVEN GIFTS OF THE HOLY SPIRIT
O Lord Jesus Christ Who, before ascending into heaven did promise to send the Holy Spirit to finish Your work in the souls of Your Apostles and Disciples, deign to grant the same Holy Spirit to me that He may perfect in my soul, the work of Your grace and Your love. Grant me the Spirit of Wisdom that I may despise the perishable things of this world and aspire only after the things that are eternal, the Spirit of Understanding to enlighten my mind with the light of Your divine truth, the Spirit on Counsel that I may ever choose the surest way of pleasing God and gaining heaven, the Spirit of Fortitude that I may bear my cross with You and that I may overcome with courage all the obstacles that oppose my salvation, the Spirit of Knowledge that I may know God and know myself and grow perfect in the science of the Saints, the Spirit of Piety that I may find the service of God sweet and amiable, and the Spirit of Fear that I may be filled with a loving reverence towards God and may dread in any way to displease Him. Mark me, dear Lord with the sign of Your true disciples, and animate me in all things with Your Spirit. Amen.